Yan ang pang soundtrip namin sa bahay nuong ako ay bata pa, sa mga cabinet nyan sandamakmak ang plaka, LP at 45, at mga tape na namasyal kung saan saan na di na bumalik, hahahah... yun kaisa-isang Cd ng The Alarm, di ko alam saan napunta hehehe.. Stereo tawag namin dyan ng mga kuya at ate ko na mahilig din sa sounds, pundar ng tatay ko na talagang mahilig din sa music, andyan ang Trio Los Panchos, Tadao Hayashi, Neil Diamond, Neil Sedaka, Letterman, Platters, Beatles, Kansas, Paul Anka, Bee Gees, Earth , Wind and fire,Nora Aunor, Vilma Santos, Celeste Legaspi, Freddie Aguilar,VST and Co, The Alarm, Air Supply, Rod Stewart, Cat Stevens, Henri Mancini halos di ko na matandaan yun ibang mga plaka namin na nakakapanghinayang kung saan na napunta ng nagpalipat -lipat na kami ng tirahan..
Talagang nakakamiss yan stereo namin na yan, may tape deck, plaka, at cd, kasama pati betamax na panooran namin ng palabas, at pagrecordan ko ng video galing sa Mtv Channel, yan mga panahon na yan ay halos pauso pa lang ang cable network, na sya ring nagmulat sa mga makabagong tugtugin nuon. Kasabayan na yan ng bandang Bon jovi, Guns 'n Roses, Metallica, Stone Temple Pilots, Nirvana, Weird Al Yankovic, Mr. Big, Extreme, Ugly Kid Joe, Soul Asylum, Scorpions,White Lion, Queen, Cranberries, 4Non Blondes, Def Leppard, Poison, Flesh for Lulu hindi ko na mataandaan yun iba.. kaya sabi ko sa sarili ko.. pagnagkaroon ng pagkakataon.. yan mga nawalang plaka namin na yan.. hahanapin ko yun mga record nya.. kaya eto nuong nauso ang internet sandamakmak na download dito at download duon ng mga discography ng mga musikero nuon...
Kaya kung ano man yun mga nakalimutan ko nuon.. dito ko na lang ibabahagi yun kanilang mga tugtugin.. mapa- OPM man yan, makaluma, makabago, jologs, at mga foreign basta napakinggan ko.. ibabahagi ko dito.. yun meron lang ako hehehe Nakita nyo naman 2012 pa tong blog ko pero halos nagyon lang naging active...
rock and roll mga repapips.. Mabuhay ang Dekada Nobenta.. iba to!
0 comments:
Post a Comment