MAALA-ALA MO PA KAYA?
Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang
KAUNLARAN...
Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay,
kung meron, gumamela lang;
10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a:
Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.
Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic,
o kaya sa tumana;
Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office
o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;
Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa,
mapagtapos ang mga anak...
Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala;
wala namang lock ang mga jeep na Willy's noon.
Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili:
trak-trakan (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na
maliit ang mga gulong, "sketeng" (scooter) na bearing na
maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno;
patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna
para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan);
sumpak, pilatok, boca-boca, bora dor, atbp.
Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata:
kasi laro nga iyon.
Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba,
turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip
Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)
May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi,
nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging
dahil sa kulugo;
Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka
sa lupa.
Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology...
di ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw!
Sana pwedeng maibalik...
Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap,
maraming addict at masasamang loob...
Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero
ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong
mapahamak o mapariwara... Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila
tayo...
Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...
Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.
Noong wala pang mga drugs at malls.
Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.
Tayo noon... Doon...
Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag
maliwanag ang buwan;
Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan
ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa
"Mga Aninong Gumagalaw"
Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na
kabisado na tin, kasi wala namang calculator.
Pag-akyat natin sa mga puno;
pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama;
Pagtikwas o pagtitimba sa poso;
pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman
ang ulo ng babae;
Inaasbaran ng mga suberbiyo;
Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o
buntot-page.
Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton
sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?
Pamimili ng bato sa bigas;
tinda-tindahan na puro dahon naman;
bahay-bahayan na puro kahon;
naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?
Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga;
pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;
Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya
ng lukaok, susuwi at espada?
Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata...
Estigo santo kapag nagmamano.
Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo;
matakot sa "berdugo" at sa "kapre";
Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!
Yung crush mo?
Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay -
alembong, taeng-kabayo o biscocho?
Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang
libreng singsing) o kaya nougat o karamel;
Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba,
mas masaya kung inuyat;
Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos
na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.
Madami pa...
Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas
sa pagitan ng daliri para sa sawsawan;
ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labu yo;
ang duhat kapag inalog sa asin;
ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin...
Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka;
o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.
Lipstick mo ay papel de hapon;
Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;
Naglululon ka ng banig pagkagising;
matigas na amirol ang mga punda at kumot;
madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba?
Pwede rin sa laylayan...
May mga program kapag Lunes sa paaralan;
May pakiling kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.
Di ba masaya? Naalala mo pa ba?
Wala nag sasaya at gaganda pa sa panahon na yon...
Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang
ina-alaala iyon...
Di ba noon...
Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito?
Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin:
"sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"...
Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the
carabao batuten...
Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;
Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka;
kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero
sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.
Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo;
meron tayong skyflakes at Royal sa tabi.
Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa
KAPAYAPAAN!
Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!